Miyerkules, Abril 3, 2013

Ang aking munting Hiling

Mahal kong Asawa,

Natupad ko na ang kasunduan natin, ngayon ay ako naman ang hihiling, ang larawang nasa ibabang bahagi nitong aking liham ay ang syang nais kong i ukit sa akin balat, ang numero ay papalitan ko ng araw ng ating kasal... maliban dyan ay meron pa akong nais i ukit ngunit marahil sa susunod na lamang dahil alam kung ang iyong pagtangi ay lubusan at maaring makapagpausok sa ilong ng dragon... Ang larawang iyan ay di basta lang nais ng aking isipan o kaya ay nais lamang umuso sa mga pautot ni Kat Von D.. ito ay may malalim na kahulugan... para sa akin ito ay simbolo ng  muling pagkabuhay.. dahil ako ay muling nabuhay nang ikaw ay aking nakaisang dibdib sa dambana ng Ama saksi ang hangin, tubig, lupa,at apoy na bumabalot at nagpapa alab sa ating sumpaang magmahalan magpakailan man. Nawa'y mapagbigyan mo ang aking munting hiling.



Nagmamahal,
Asawa mo

Ang larawang ito ay di ko pagmamay-ari ito ay napulot ko lamang sa page ng Cool tattoos sa facebook :)



4 (na) komento:

  1. sana mapost ung magiging tattoo mo :)

    TumugonBurahin
    Mga Tugon
    1. Pag po na uwi ako ng pinas saka ko pa po malalagay sa balat ko to.. syempre picturan ko rin at post ko yung experience ko sa tatto shop. :)

      Burahin
  2. Phoenix ba ito? Maganda nga at symbolic. Sana lang huwag kayong magkasalubong sa beach nyang babae sa picture hehehe

    TumugonBurahin
    Mga Tugon
    1. heheheh wala beach dito sa swaziland pero pag nakasalubong ko sya at meron na ako nito .. i handa ko tari ko baka mapasabong ako ng wala sa oras :) mestisahin laban sa native..awww

      Burahin