Miyerkules, Marso 19, 2014

Hindi ko makita ang langit

Sabi nila ang bansa ko daw ay may sakit na malupit. Cancer sa utak, at sa dinami dami ng anda ng gobyerno sa bulsa, ni walang mangiming ipa konsulta upang malunasang ang sakit na kumakalat sa systema ng aking inang bayan. Walang mangahas na magbawas ng kani kanilang bubget upang tugunan ang kanyang pangangailangan. Napaisip tuloy ako pano na ang kinabukasan ng mga anak ko, pano na sa pag uwi ko, basura , trapiko, corruption at naglipanang ibat ibang krimen ang dadatnan ko, pano ako makakatulog sa gabi kung sa bawat paligid ko ay may mga asung ulol at mga hayok na nag aabang upang pangasin ang pagkatao ko at ng mga supling ko.

Isipin ko pa lang kinikilabutan na ako. natatakot  na ako.

Bakit ganun, marami naman akong nakikitang nag proprotesta at nagsasabog ng katotohanan upang mamulat ang iba kung kababayan sa pambababoy ng mga naka upo sa aking inang bayan, pero bakit pakiramdam ko di ko makita ang pagbabago, parang ingay lang sya na walang nagiging aksyon, parang isang malaking baloon na pag naputok hangin lang ang lumalabas. Talaga bang wala nang pagbabago sa aking inang bayan.. Sabi nila di matitibag ang pader na gawa ng mga politikong sugapa sa kayamanan, at ang pader na to ay pinagtibay ng mga laman at dugo ng mga kababayan kung naalipusta at pinuta ng bawat politikong hayok sa kapangyarihan.

Saan ba dapat mag umpisahan ang pag gamot sa sakit ng ating inang bayan, kung pugutan na lang kaya ng ulo ang Cancer na to??? hindi rin malulutas dahil maraming galamay ang mag uunahan upang pumuwesto sa ulo nito, pano nga ba??? sa baba sa paanan upang di makalakad... o sa puso upang magkaroon naman ng konsensya at magkamalay ang itim na puso at maging makatao sa kanyang sinasakupan.

hayyy ang sakit sa utak isipin kung pano ito tibagin, pakiramdam ko isa syang malaking itim na usok na me maraming sangay, na kung meron isang puting usok na makapasok upang mabago ang sistema ay nilalamon lang ito na parang bula, ang puti usok ay nawawalan ng kaputian at nagiging kaanib din ng itim na usok... hangang kailan ito, bago kaya ako mamatay masilayan ko kaya ang langit sa aking bayan?.

Matandang Puno

Minsan may isang matayog na Puno, hitik sa bunga...
nalaglag ang hinog na bunga, pumailalim sa lupa
makalipas ang ilang araw bagong usbong ang lumitaw
bububwit man na maituturing ngunit kay tayog ng tindig..
masayang hinaplos ng hangin ang bagong punla
sumasayaw ang matayog na puno sa saya ng mapagmasdan nya ang kanyang naging bunga.
maraming pang naglaglagan na hinog na bunga sa lupa
at gayun din pumailalim at naging bagong punla...
Lupipas ang mga araw, buwan, dumaan ang taginit, tag lamig at tag ulan..
at sa bawat pag haplos ng panahon, malumanay man o may halong maktol
ang matayog na puno ang syang kanilang proteksyon...
At sa pagulong ng panahon, mga punlay nagsilakihan, naging singtayog ng
kanilang pinagmulan, masayang nagsisipagsayawan sa hangin. at kung minsa'y
nagsisipagkantahan kasama ng mga ibong namamahay sa kani kanilang sanga.
Minsan isang araw sa kaninitan ng sinag ng haring araw, mag dumapong delobyo
sa bawat mga puno, na peste ang lahat, malungkot  na pinagmasdan ng matandang puno
ang kanyang kapaligiran, sa gabing tahimik at ang ilaw ay ang buwan lamang at mga bituin, humiling sa inang kalikasan ang matandang puno, na sa bawat pag lagas ng kanyang dahon, naway maging pampataba ito sa lupa, nang sa gayon at mabigyan ng sapat na preteksyon ang kanyang mga supling. Tumugon ang inang kalikasan ngunit kapalit nito'y ang kanyang unti inting pagkatuyot at pagkamatay.  Bumalik ang tindig ng mga puno sa paligid maliban lamang sa matandang puno, unti unti sa bawat haplos ng hangin mga dahoy nalalagas, mga sangay natutuyo... tahimik ang paligid , bawat puno matamlay na pinagmasdan ang matandang puno, humuni ang ibong ngnit itoy huni ng lungkot, pagkadaka ay lumuha ang langit, paalam na matandang puno...



Deja Vu

Hindi ko  ugali na e-celebrate ang birthday ko.. kasi bukod sa katotohanang tumatanda na ako, may bahagi sa nakaraan ko na nagbigay sa akin ng tabang upang ipagdiwang ang araw na to... ganun pa man sabi ko sa sarili ko noong dalaga pa ako.. pag ikakasal ako sa birthday ko gaganapin ito.. para naman mag karoon ng sense ang araw ng kapanakan ko, para magkaroon ako ng rason para e enjoy ang buhay ko. At dahil dun talagang itinaon ko ang kasal ko sa araw ng kapanganakan ko, 9 years naman na akong masaya at laging excited pag dumarating ang araw na ito. Kahit na sa 9 years na yun walang taong lumipas na di kami nasubok, nabagyo at nakidlatan ng husto. Pinaka masakit yung taong 2010, dahil nag demand ako ng isang himala na walang kalakip na pananampalataya. At ito na naman sya naulit man ang scenario pero sa ngayon natuto na ako, alam ko na, na may mga bagay na di ko kayang hawakan, may mga bagay na dapat ipag paubaya. kaya para sayo God ... ikaw na ang bahala... kung ano man ang desisyon mo.. maluwag ko tong tatangapin, dahil alam ko na may mas magandang naghihintay para sa mudra ko... Ganun paman maraming salamat sa panibagong taon... alam ko magiging boring ang buhay ko kung di mo lalagyan ng excitement ito.. kaya cheers at salamat sa pagpapahintulot mong mabuhay ako hangang sa kasalukuyang oras minuto at segundo ngayong araw na ito. This time what ever the result of my Mother's biopsy, tatangapin ko ito ng maluwag. At mangangako na gagawin ko ang dapat lamang na hakbang, dahil alam ko na sa bawat hakbang na gagawin ko karga mo ako at ikaw ang maydala ng pasanin ko.

Huwebes, Pebrero 20, 2014

Phoenix





Every drop of my tear will cut deep in your conscience.
I am the phoenix i am the god, bleed my heart and u shall bleed enormously. I shall be waiting to burn you in the dark. I shall take your light and bury you where u have buried me
I am phoenix i am a never-ending.

Miyerkules, Pebrero 19, 2014

Dilim

Pakiramdam ko unti unti na naman akong namamatay, unti unti na namang nauubos ang pag-asa na naimbak ko nitong nakaraang taon lamang.Pano ba natin masusupil ang kadiliman kung takot kang buksan ang pinto na syang pweding pagkunan ng liwanag. Ang sabi mo mag tiis tiis na lamang muna, kaya ko ang lahat basta kasama kita, ngunit  hangang saan ang dapat na pag titiis, hangang saan dapat tayo ay mamalagi sa dilim, hindi sapat ang nabubuhay lamang sa pangkasalukuyang oras, ayoko na sa dilim, sa walang kasiguruhang hakbang, oo kaya ko tong tiisin, pero di ko na kayang tiisin pa ang nakikita ko sa yung mga mata, ang dating sinag na nagbibigay liwanag ay  parang unti unti na ring nauupos, natatalo ka na rin ba ng dilim, hawak ko ang iyong mga kamay, humihinga ka nga ngunit para ka namang bangkay na takot maging multo, sa tinign ko ikay parang patay na dahil ang takot mo sa liwanag ay lubusan na, ito na nga ba ang kinatatakutan ko, ang unti unting kang kainin ng takot mo. Tahimik ka sa isang sulok wala ka na namang imik... tatayo ako at aabotin ang pinto, mahigpit mo pa ring hinahawakan ang mga kamay ko, hinihilang pilit upang di ko maabot ang ito, gaya ng nasabi ko dati, di ako bibitaw, at kahit pa pilit mo akong hinihila pababa, aabotin ko pa rin ang pinto ng di ka bibitawan, upang muli masilayan mo, at maramdaman ang dampi ng init ng liwanag, upang muli pareho tayong madanas ang muling mabuhay ng walang takot, walang pangamba. Alam ko mahihirapan ako, pero di ako bibitaw di ako susuko, at di ko hahayaang  lubusang mabalot tayo ng takot.

Huwebes, Enero 30, 2014

Para sayo Kaibigan ko

Ang sarap ng pangako mo sa akin nung akoy nililigawan mo
Ngunit matapos ang gabi ng pulot gata akoy iniwan mo
Bumalik ka na lasing at wala ni sa akin ay pagtingin
Nalaman mong ikaw ang di nakauna sa akin.

Noong tayo ay magkasintahan halos akoy iyong sambahin
pangako sa akin buhay na maaliwalas at walang dilim
Ngunit matapos ang yaong gabi ng ating pag niniig
Kamay moy tila bakal walang habag sa paghampas sa akin.

Tama bang sukatan ang yung natuklasan
Pag-ibig moy huwad at walang katotohanan
Kunga akin ikay wala nang pagtingin
Kalayaan ko naway iyong ibalik sa akin.


Hindi ko lubos maisip bakit may mga lalaking ganito, naiiyak ako sa sinapit ng kaibigan ko, kung sana nasa tabi nya lang ako, hindi sana nangyari ito. Be strong mahal kong kaibigan, ito ay pagsubok laman. Tandaan ang dyos ay di tulog, matatapos din ang ulan at ang araw ay sisikat, sasamahan kita sa pagbangon at pagbuo ng panibagong bukas.


Miyerkules, Enero 15, 2014

My Plan for 2014

I have listed some goals i wanted to attain by this year of the Horse. I have been outside the country for almost 10 years now, and never in my life i have missed Pinas. I dont want to get old here, I wanted to go back home...

Hinahanap hanap kita Manila
Ang ingay mong kay sarap sa tenga
Mga jeepney mong nagliliparan
Mga babae mong nag gagandahan

Take me back in your arms Manila
And promise me you'll never let go
 Promise me you'll never let go

Napakanta tuloy ako hehehe... kay sarap bumalik sa sariling bansa, i have stayed a little bit longer than my original plan in this country... now its time to set some goals and it is a MUST that this goals have to be achieved.

List of my Goals for 2014
1. Save money- oh yes mahirap pero dapat mag higpit ng sinturon for better future.

2. Build a House - so that what ever happened meron kaming bahay na mauuwian sa pinas. Sariling bahay.

3. Few saving to start up a business -  at my age it will be hard for me to get a Job sa Pinas unless na me backer ka.. but to make sure na i have something to hold on to pag uwi.. magtatayo na lang kami ng simpling negosyo kaysa dapat me nakalaang ipon para dito.

if this 3 will be achieved I say I might stay 3 more years here and I am gone home...

pero 100% for sure there will be some hindrance to this goals and these are...

1. Gadget - mga latest Ceelphone/laptop upgrade ng sasakyan ... hay naku itong vice nato dapat tong mawala dahil i cannot consider this as an asset at bumababa ang value as years goes by.

2. Over buying / impulsive buyer -  Specially food.. with this i consider of having a healthy diet ( cross finger ) but seriously speaking i am not getting younger and i have to be wise on what food i take.. medyo bawas sa lahat ng matatamis such as chocolate ( i am a chocoholic ) and such... to live longer and healthier...

3. Kamag anak na di yata naisip na need mo ring mag ipon.- Need ko ng pusong bato.. hahahaha, sana i could tell them in a verry nice way na guys i need to think about my future.. tapos i need a change of heart need ko ng pusong bato .. para di ako masaktan pag nakarinig ako ng salitang "kasi nasa abroad kaya tingin sa atin patay gutom." 

I dont want to end up singing this song Manila by the end of this year.. I really really want to go home, kahit pa halos higit sa 20 storms ang bumibisita, kahit pa me lindol at me mga corrupt na politika, kahit na ang Gobyerno ay isang malaking Sindikato.. nothing and I say it again nothing could stop me to be back home.


Huwebes, Enero 9, 2014

Love me Fool me

Love me  fool me
Love me great
love me with a heart
Not with crave.

Ahh Love me intense
Love me with flame
Love me oh love me
Love me till i drain.

Love me hug me
squeezes me love
Kiss me my love
Love me tight.

Love me with skies
Love till we flies
Love me sweet
Love me with lies.



Miyerkules, Enero 8, 2014

Good Bye Snake Helloooo Horse

Ang 2013 ko ay isang maahas na taon.. maraming impaktang mahilig mag careles whisper left and right sa aking tenga... magulo ang aking relasyon sa kapatid, masukal maahas at maraming ahas sa paligid...
Puno ng galit inis sama ng loob at drama event of the year..oo punong puno ako nun.. kasi wasak ang realsyon ko sa kapatid ko, sa close friend ko... pero talaga namang si God di nya ma carry ang na si site nyang view sa aming mag sisterakas, something happned nitong end Nov. reason para ibaba ko ang aking pride chicken at tumawag sa kasamaang loob kung sister... and viollaaa we are family back in each others arms.. tawanan at kwentuhang ewan lang.. I really miss it.. yung mga ganitong scenario, yung mga non sense na ginagawa ko na nagagawa ko lang sa harap nila... yung pag balik tanaw sa mga nakaraan nung bata pa kami .. yung mga kalukuhang nagawa at mga katatawanan naranasan sa loob at labas at sa pam publikong paligid. Pakiramdam ko nag lock ang panga ko sa katatawa.. Sobrang na miss ko to.. and salamat sobrang maraming salamat kay God.. kahit na pangit ang nagyari sa isa kung kapatid naayos naman namin ng tama ang pangyayaring ako na lang ang di pa nakakaranas ( at ayaw kung danasin sa pag sasama namin ni hubby )
kaya goodbye snake... you have slithered and lingered much sadness to our life.. walk away now ...

Hello horse .. walk our wagon in a smoother path.. never leave our side.. guide us and constantly remind us that our ties is stronger than ever. I really don't want to be far away from my sister again..

Alam ko na if ever the cursed in our family catches me .. di ako matatakot harapin yun coz i have my sister next to me.