Linggo, Marso 24, 2013

Sumpa ng Pag Ibig

Nandito lang ako kasama mo
Habang buhay di magbabago
Pagibig ko maasahan mo
Pagkat ikaw ang sinisinta ko

Umulan man at bumagyo
Tamaan man ng kidlat si cupido
Puso koy mananahan lamang sayo
Pag ikaw ang tinitibok nito

Mahal ko lisanin na ang takot
At wag ng malulungkot
Wag mag damdam kahit kalian
Pag kat ika’y hindi iiwan

Sa isang daan sa sabay na nilandas
Mga anghel umaawit ng wagas
Sa altar na ating binagtas
Sumpaan ay d mag wawakas

Sa iisang pintig ng puso
Sa bilog na nagsisimbulo
Na akoy sayo at ikaw ay akin
Hangang sa wakas ng panahon

Dedicate to my hubby... 

13 komento:

  1. wapak! Kala ko single ka. Ang sweet mo naman. Putek kinilig ako lalo na sa last line. Pwede to gawing kanta ;)

    TumugonBurahin
    Mga Tugon
    1. Tenk u po kamahalan.. bumabawi lang kasi... kasi... basta alam ni sir akoni yun kahit nawindang sya sa tanong ko binigyan nya ako ng good advice..:)

      Salamat sa pag silip at pag iwan ng bakas. :)

      Burahin
    2. hahaha natawa ako kay archie hahaha

      Burahin
  2. ayun naman eh! pagkatamis tamis oh!

    TumugonBurahin
  3. iba na ba ang lebel ng pag ibig kapag hubby mo na itong taong mahal mo? hihihih

    TumugonBurahin
  4. with our 8 years of marriage ( 8 years na kami nung 18 ng march ) yung first 3 years namin nag adjust kami nag kilitian at naghulihan ng ugali, nagbatuhan ng cellphone at nagsigawan.. tapos 4 years on up dun ko masasabi na nagbago, nag improve mas malalim na kasi sa kabila ng pabugso bugsong usbong ng mood swing ko.. naka coupe up sya .. at ganun din ako sa mga toyo moments nya ( oo toyo moments, di lang babae tinutoyo noh pati rin lalake ) dumating din sa point na me hiwalayan scene.. and despite those storms, eto kami pa rin... at mas lumalalim ang love namin sa isat isa.. at alam ko na di pa kompleto, alam ko na marami pang spices na magpapa anghang at magpapasarap ng aming samahan... kaya to answer ur question ibang iba talaga.. kasi pag asawa mo na, karugtong na sya ng buhay mo .. kasi Iisang pintig na kayo, the moment na dinugtong na nya ang apelyedo nya sayo... pinagisa na ang dati ay dalawang tao... marami mang pagsubok.. pero hangat iisa ang tibok nya puso nyo.. di kayo matitinag at mas lalo kayong tatayog gaya ng mga matatag ng puno.

    TumugonBurahin
  5. wow ang sweet namin... wish ko na mas tumagal pa kayo ni hubby mo....

    ganda ng poem... kakakilig lang hehehe

    sana may mag alay din sa akin ng ganyan hehehe

    TumugonBurahin
    Mga Tugon
    1. Sabi nga nila right people comes in most unexpected moment in your life..lahat tayo may nakatalagang partner in life... busy lang si Papa God sa pagsusulat ng magandnag moment ng iyong future wife :)..
      Tenks po sa pagdalaw at sa comment.

      Burahin
  6. ayos pala dito :)
    pagkatamis-tamis na tula para sa matatag na relasyon.

    naki-usyoso at dumalaw lang ms. zei maya

    -limarx214

    TumugonBurahin
    Mga Tugon
    1. Its a pleasure sir limarx.. napakamaralaking tenk u sa pag bisita po sa aking blog. :)

      Burahin