Sabado, Marso 23, 2013

Ubo Ubo go away

Magdamag akong walang tulog dahil sa ubo ko, daig ko pa ang asong umaalulong sa hating gabi na nagtatawag ng mga tsanak at aswang... ang ininum kung gamot ay wa epek.. kaya naman ngayon mugto ang aking mata at nasa alapaap ang aking kaluluwa... dahil sa next week na ang easter maaga kaming sasahod kaya ngayon eto ako gumagawa ng payroll ng mga balugs at ng mga pinoy  encoding pa lang naman ng no. of hrs at bukas ay lingo so kakayanin ng natitira kung powers ang magawa eto at double checking na lang sa monday.. bahala na si Batman ika nga.

Sabi sa aking horoscope at sa pahaging ng aking mga panaginip nitong nakaraang gabi, dapat daw akong tumaya ng mga numerong binangit sa aking panaginip (  ang masama nito di ko maalala ang iba ) kaya naman mamayang gabi gogora kami ng casino at mag bibingo.. ang malaking tanong papapasukin kaya nila ako mamaya kung kada minuto na lang eh tumatahol ako, baka mamaya mabato ako ng ball pen sa ingay ko... tsk tsk tsk sayang mega bingo pa naman....

Anyways mag scape muna ako at punta sa pinakamalapit sa suking supermarket at nang makabili ng vicks, mag aadik muna ako after work.. baka sakaling mahagod ni vicks ang kati sa lalamunan at mapalayas ang mahaderang plema na walang abog na nanira ng aking Casino event.

1 komento: