First time mag random, maraming nais isigaw ang aking isipan, ngunit wala akong mahanap na tamang salita upang ibahagi sya, kaya mag random na lang ako sa mga nangyari sa aking nitong nag daan na araw.
1. Masaya at pagod ang week end, sa kaunaunahang pagkakataon nakapanood ng sine kasama ang mga anak at buong napanood ang palabas, madalas kasi nasa kalagitnaan na ng palabas ay nag yayaya nang lumabas ang mga bata. Iba siguro ang dating ng mga menions at talaga namang nag stick till the end ang mga kiddo's ko.
2. Habang nanood ng sine, sa sobrang tuwa ng aking bunsong anak, isinabog nya ang popcorn at pinaulanan ang nasa tapat namin, buti na lang at mabait ang kana na nasa tapat namin, sabi nya Dont worry .. its ok he just a kid and so adorable.. ngumiti na lang ako at nag sorry sabay hawak sa kamay ng aking bunso, natakot akong pahabain pa ang aming pag uusap at baka lumabas akong duguan ang ilong.
3. Its a sad monday ang tatay ng aking Mama Kele ( yaya ng aking mga junakis ) ay namatay, maga ang kanyang mata nang pumasok, bigla tuloy ako nalungkot at naalala ko ang lungkot na naramdaman ko nung ang aking tatay ang namatay. Kaya Sad day din kasi pinauwi ko sya ibig sabihin walang magbabantay sa aking mga anak, wala akong kasambahay at me work pa, kaya lagare ako akya baba sa office at sa aming kwarto. ( sa isang building lang kasi ang tinutuluyan namin at ang pinagtratrabahuan ko )
4. Tumulo ang laway ko sa ganda ng Sony Xperia, ipinangalandakan ng anak ng amo ko ang kanyang new phone Sony Xperia, tapos bigla bigla nag ring ang kanyang phone , gusto kung matawa pero inubos ko ang powers ko para pigilan yun dahil kalalaking tao ang kanyang ring tone ay "Hey i just meet you and this is crazy but here's my number so call me maybe".
5. Pagod much nitong tuesday at wed dahil wala ang aking Mama kele ang hirap mag trabaho at maging isang Ina ng sabay. sakit sa bangs pero masaya naman.
'Yung #4 ang pinakahighlight ng post na ito, haha buti hindi ka sumambulat ng tawa!
TumugonBurahin'Yung #3 medyo nakakarelate ako, death anniv ng erpat ko this month naalala ko tuloy. may nagawa akong blog entry sa kanya dati pag binabalikan ko nalulungkot pa rin ako. :(
'Yung #5 kakatapos lang namin sa ganyang senaryo halos 2 mos din walang kasama sa bahay, panay ang reklamo ng wife, para na day siyang si curacha - ang babaeng walang pahinga. hirap talaga 'yan, mas mahirap pa sa trabaho sa office.
Kakawala ng stress 'pag kasama ang pamilya tuwing weekend lalo't pag namamasyal, may animation ulit next week "planes" naman ng disney isama mo na sa itinerary mo.
:)
4. Pag labas nya saka ako nagtatawa na parang loka loka, buti na lang solo ko ang office ko.
TumugonBurahin3.masakit talaga pag nalalagasan ng mahal sa buhay pero atleast na tapos na ang hirap at sakit na dinadanas nila.. but surething they will always remain forever sa puso natin
5.curacha sakit sa bangs talaga .
Kahit pagod isang kiss lang ng mga kiddo's wala na lahat ng stress. E check ko yan at dahil nagnako ako ng every week end me movie date kami ng mga kiddo's i just hope magustuhan nila.
Salamat po sa pagdalaw sa aking blog Sir Limarx.. medyo maraming typo error kakamadali. Pagpasensyahan na lang po.