Lunes, Agosto 26, 2013

Maskara Ni Hudas



Ang sarap ng yung ngiti
Tila angel sa langit na kay puti
Ngunit sa likod ng bawat nilalabi
Kawit ni kamatayan ang yung hinahabi

Dito sa bayan ng mga baluga
Pinangako mo ay sagana
Nagbayad ang mga timawa
upang makamit ang pangakong kay saya
Ngunit maltrato sa singkit ang nahita.


Si manong ngayo'y naghihinagpis
Pamilya sa pinas ay nahahapis
sa bagyong humahangos sa inis
ne singko walang maihagis

Puso koy nawasak
ng matanto ang dinanas
Ikaw na naka maskarang hudas
wala mang tulong na ginawad
bagkus nangutya pa ng wagas

Di mailarawan ang yung suot na maskara
nang magulantang ka sa aking naging aksyon
halika at humarap ka, magtuos tayobg dalawa
ako naman ay laging handa

Ngunit gaya ng iyong naging gawi
Maskara ni hudas ay iyong ginamit
nakangiti sa akin na kay tamis
tila angel sa langit na umaawit
inosenting tukmol ang yung gamit.


Sadyang ganid ka, uhaw sa kwarta
ahasin ka nawa ng yung sariling maskara
nang madanas mo ang hirap
at sakit na dinulot mo sa iba.





Walang komento:

Mag-post ng isang Komento