Dalawang bagay lang ang nagyayari sa akin twing Byerness
1. Byernes Madness
2. Byernes Nganga-ness
1. Byernes Madness- ito ay nangyayari sa aking twing kinsenas at katapusan ng bawat buwan, aligaga sa pag impake ng mga sahod ng mga trabahador twing kinsenas, magkapong nakakulong sa apat na sulok ng silid kasama ang dalawang Swazi at isang pulis na armado ng M-16 na Riffle. Apat na oras din ang aming ginugugol sa pagimpake ng sahod ng mga tao.
Ang pinaka ayaw ko na byernes ay pag natataon ito ng katapusan, sabay sabay ng pasahod sa mga kinsenas at buwanan, kasabay pa ng patong patong na updating ng mga accounts at kung anu-ano pang patungkol sa kaperahan at mga dapat bayaran. Ni pag-ihi at pag sulyap sa mahal kung FB ay di ko magawa. haggard na haggard ang isip utak, katawan at maging ang aking kaluluwa pag nagtatagpo ang byerness at katapusan ng bawat buwan. I fell so freakin sick and i hate this days .
2. Byernes Nganga-ness - ito ang isa sa pinak super like at pinaka nakakaasar na araw ko,
pinaka like dahil petiks ako, walang rush na trabaho, walang presure at di pagod, payapa ang utak, katawan at maging kaluluwa ko. Dito madalas lumilipad ang aking isipan, pag sinumpong ng pagkamakata, nakakagawa ng tula o kwentong ewan lang, ito rin ang chat time ko sa mga friends ko at kamag anak sa pinas. at dahil di busy minsan sa halos maghapon ubos ko ang oras sa chat.
pinaka ayaw ko rin ito minsan pag hangin ang laman ng utak ko, o di kaya ay talagang nganga lang sa maghapon, kung pwede mo lang hilain ang kamay ng relo para tumakbo ng mabilis ang bawat tiktak ng oras, Masakit sa pwet at likod lalo na kung maghapon kang uupo at tutunganga lang sa harap ng computer, walang ka chat at walang gana sa mga candy crush o ano pang palaro ng FB, nakaka antok din ang mga araw na ito pero bawal matulog kung ayaw mong mapatalsik sa yong trabaho.
Ang mga Byernes ko ay parang larawan ng aking buhay, minsan maulan minsan maaraw. Sabi nga nila pag di ka nakadala ng payong habang maulan, magtampisaw ka na lang at maglaro, makipaghalakhakan sa naguumiyak na luha ng langit. At pag maaraw naman ay makipaglaro sa init na hatid nito, magdilig upang mapawi ang uhaw.
Nice insight into your life... Ako rin significant day rin sa akin ang Friday lalo na kapag payday Friday parang ang sarap sarap mabuhay... LOL
TumugonBurahinSir Glentot masarap talaga pag payday lahat pweding bilhin tapos reality strike ouch dami ko pala bayarin :)
TumugonBurahinSalamt po sa pag daan at pagiwan ng bakas.