Minsan may isang matayog na Puno, hitik sa bunga...
nalaglag ang hinog na bunga, pumailalim sa lupa
makalipas ang ilang araw bagong usbong ang lumitaw
bububwit man na maituturing ngunit kay tayog ng tindig..
masayang hinaplos ng hangin ang bagong punla
sumasayaw ang matayog na puno sa saya ng mapagmasdan nya ang kanyang naging bunga.
maraming pang naglaglagan na hinog na bunga sa lupa
at gayun din pumailalim at naging bagong punla...
Lupipas ang mga araw, buwan, dumaan ang taginit, tag lamig at tag ulan..
at sa bawat pag haplos ng panahon, malumanay man o may halong maktol
ang matayog na puno ang syang kanilang proteksyon...
At sa pagulong ng panahon, mga punlay nagsilakihan, naging singtayog ng
kanilang pinagmulan, masayang nagsisipagsayawan sa hangin. at kung minsa'y
nagsisipagkantahan kasama ng mga ibong namamahay sa kani kanilang sanga.
Minsan isang araw sa kaninitan ng sinag ng haring araw, mag dumapong delobyo
sa bawat mga puno, na peste ang lahat, malungkot na pinagmasdan ng matandang puno
ang kanyang kapaligiran, sa gabing tahimik at ang ilaw ay ang buwan lamang at mga bituin, humiling sa inang kalikasan ang matandang puno, na sa bawat pag lagas ng kanyang dahon, naway maging pampataba ito sa lupa, nang sa gayon at mabigyan ng sapat na preteksyon ang kanyang mga supling. Tumugon ang inang kalikasan ngunit kapalit nito'y ang kanyang unti inting pagkatuyot at pagkamatay. Bumalik ang tindig ng mga puno sa paligid maliban lamang sa matandang puno, unti unti sa bawat haplos ng hangin mga dahoy nalalagas, mga sangay natutuyo... tahimik ang paligid , bawat puno matamlay na pinagmasdan ang matandang puno, humuni ang ibong ngnit itoy huni ng lungkot, pagkadaka ay lumuha ang langit, paalam na matandang puno...
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento