Miyerkules, Marso 19, 2014

Hindi ko makita ang langit

Sabi nila ang bansa ko daw ay may sakit na malupit. Cancer sa utak, at sa dinami dami ng anda ng gobyerno sa bulsa, ni walang mangiming ipa konsulta upang malunasang ang sakit na kumakalat sa systema ng aking inang bayan. Walang mangahas na magbawas ng kani kanilang bubget upang tugunan ang kanyang pangangailangan. Napaisip tuloy ako pano na ang kinabukasan ng mga anak ko, pano na sa pag uwi ko, basura , trapiko, corruption at naglipanang ibat ibang krimen ang dadatnan ko, pano ako makakatulog sa gabi kung sa bawat paligid ko ay may mga asung ulol at mga hayok na nag aabang upang pangasin ang pagkatao ko at ng mga supling ko.

Isipin ko pa lang kinikilabutan na ako. natatakot  na ako.

Bakit ganun, marami naman akong nakikitang nag proprotesta at nagsasabog ng katotohanan upang mamulat ang iba kung kababayan sa pambababoy ng mga naka upo sa aking inang bayan, pero bakit pakiramdam ko di ko makita ang pagbabago, parang ingay lang sya na walang nagiging aksyon, parang isang malaking baloon na pag naputok hangin lang ang lumalabas. Talaga bang wala nang pagbabago sa aking inang bayan.. Sabi nila di matitibag ang pader na gawa ng mga politikong sugapa sa kayamanan, at ang pader na to ay pinagtibay ng mga laman at dugo ng mga kababayan kung naalipusta at pinuta ng bawat politikong hayok sa kapangyarihan.

Saan ba dapat mag umpisahan ang pag gamot sa sakit ng ating inang bayan, kung pugutan na lang kaya ng ulo ang Cancer na to??? hindi rin malulutas dahil maraming galamay ang mag uunahan upang pumuwesto sa ulo nito, pano nga ba??? sa baba sa paanan upang di makalakad... o sa puso upang magkaroon naman ng konsensya at magkamalay ang itim na puso at maging makatao sa kanyang sinasakupan.

hayyy ang sakit sa utak isipin kung pano ito tibagin, pakiramdam ko isa syang malaking itim na usok na me maraming sangay, na kung meron isang puting usok na makapasok upang mabago ang sistema ay nilalamon lang ito na parang bula, ang puti usok ay nawawalan ng kaputian at nagiging kaanib din ng itim na usok... hangang kailan ito, bago kaya ako mamatay masilayan ko kaya ang langit sa aking bayan?.

2 komento:

  1. I think ang pagumpisa sa paggmot nito ay sa sarili natin. Disiplina, pagsunod sa batas, at pagset ng magandang example sa mga anak. In the end, kung hindi man maging matagumpay ang pagbabago, at least masasabi mo sa sarili mo, you did your part.

    TumugonBurahin
  2. sa aking palagay ang paggmot nito ay sa sarili natin. Disiplina, pagsunod sa batas, at pagset ng magandang example sa mga anak. gaya gaya lang. seriously...matagal ng sinagot ni Michael Jackson kung papaano baguhin ang mundo...simulan sa taong nakikita mo sa salamin...

    TumugonBurahin