Miyerkules, Marso 19, 2014
Deja Vu
Hindi ko ugali na e-celebrate ang birthday ko.. kasi bukod sa katotohanang tumatanda na ako, may bahagi sa nakaraan ko na nagbigay sa akin ng tabang upang ipagdiwang ang araw na to... ganun pa man sabi ko sa sarili ko noong dalaga pa ako.. pag ikakasal ako sa birthday ko gaganapin ito.. para naman mag karoon ng sense ang araw ng kapanakan ko, para magkaroon ako ng rason para e enjoy ang buhay ko. At dahil dun talagang itinaon ko ang kasal ko sa araw ng kapanganakan ko, 9 years naman na akong masaya at laging excited pag dumarating ang araw na ito. Kahit na sa 9 years na yun walang taong lumipas na di kami nasubok, nabagyo at nakidlatan ng husto. Pinaka masakit yung taong 2010, dahil nag demand ako ng isang himala na walang kalakip na pananampalataya. At ito na naman sya naulit man ang scenario pero sa ngayon natuto na ako, alam ko na, na may mga bagay na di ko kayang hawakan, may mga bagay na dapat ipag paubaya. kaya para sayo God ... ikaw na ang bahala... kung ano man ang desisyon mo.. maluwag ko tong tatangapin, dahil alam ko na may mas magandang naghihintay para sa mudra ko... Ganun paman maraming salamat sa panibagong taon... alam ko magiging boring ang buhay ko kung di mo lalagyan ng excitement ito.. kaya cheers at salamat sa pagpapahintulot mong mabuhay ako hangang sa kasalukuyang oras minuto at segundo ngayong araw na ito. This time what ever the result of my Mother's biopsy, tatangapin ko ito ng maluwag. At mangangako na gagawin ko ang dapat lamang na hakbang, dahil alam ko na sa bawat hakbang na gagawin ko karga mo ako at ikaw ang maydala ng pasanin ko.
Mag-subscribe sa:
I-post ang Mga Komento (Atom)
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento