Miyerkules, Marso 19, 2014

Hindi ko makita ang langit

Sabi nila ang bansa ko daw ay may sakit na malupit. Cancer sa utak, at sa dinami dami ng anda ng gobyerno sa bulsa, ni walang mangiming ipa konsulta upang malunasang ang sakit na kumakalat sa systema ng aking inang bayan. Walang mangahas na magbawas ng kani kanilang bubget upang tugunan ang kanyang pangangailangan. Napaisip tuloy ako pano na ang kinabukasan ng mga anak ko, pano na sa pag uwi ko, basura , trapiko, corruption at naglipanang ibat ibang krimen ang dadatnan ko, pano ako makakatulog sa gabi kung sa bawat paligid ko ay may mga asung ulol at mga hayok na nag aabang upang pangasin ang pagkatao ko at ng mga supling ko.

Isipin ko pa lang kinikilabutan na ako. natatakot  na ako.

Bakit ganun, marami naman akong nakikitang nag proprotesta at nagsasabog ng katotohanan upang mamulat ang iba kung kababayan sa pambababoy ng mga naka upo sa aking inang bayan, pero bakit pakiramdam ko di ko makita ang pagbabago, parang ingay lang sya na walang nagiging aksyon, parang isang malaking baloon na pag naputok hangin lang ang lumalabas. Talaga bang wala nang pagbabago sa aking inang bayan.. Sabi nila di matitibag ang pader na gawa ng mga politikong sugapa sa kayamanan, at ang pader na to ay pinagtibay ng mga laman at dugo ng mga kababayan kung naalipusta at pinuta ng bawat politikong hayok sa kapangyarihan.

Saan ba dapat mag umpisahan ang pag gamot sa sakit ng ating inang bayan, kung pugutan na lang kaya ng ulo ang Cancer na to??? hindi rin malulutas dahil maraming galamay ang mag uunahan upang pumuwesto sa ulo nito, pano nga ba??? sa baba sa paanan upang di makalakad... o sa puso upang magkaroon naman ng konsensya at magkamalay ang itim na puso at maging makatao sa kanyang sinasakupan.

hayyy ang sakit sa utak isipin kung pano ito tibagin, pakiramdam ko isa syang malaking itim na usok na me maraming sangay, na kung meron isang puting usok na makapasok upang mabago ang sistema ay nilalamon lang ito na parang bula, ang puti usok ay nawawalan ng kaputian at nagiging kaanib din ng itim na usok... hangang kailan ito, bago kaya ako mamatay masilayan ko kaya ang langit sa aking bayan?.

Matandang Puno

Minsan may isang matayog na Puno, hitik sa bunga...
nalaglag ang hinog na bunga, pumailalim sa lupa
makalipas ang ilang araw bagong usbong ang lumitaw
bububwit man na maituturing ngunit kay tayog ng tindig..
masayang hinaplos ng hangin ang bagong punla
sumasayaw ang matayog na puno sa saya ng mapagmasdan nya ang kanyang naging bunga.
maraming pang naglaglagan na hinog na bunga sa lupa
at gayun din pumailalim at naging bagong punla...
Lupipas ang mga araw, buwan, dumaan ang taginit, tag lamig at tag ulan..
at sa bawat pag haplos ng panahon, malumanay man o may halong maktol
ang matayog na puno ang syang kanilang proteksyon...
At sa pagulong ng panahon, mga punlay nagsilakihan, naging singtayog ng
kanilang pinagmulan, masayang nagsisipagsayawan sa hangin. at kung minsa'y
nagsisipagkantahan kasama ng mga ibong namamahay sa kani kanilang sanga.
Minsan isang araw sa kaninitan ng sinag ng haring araw, mag dumapong delobyo
sa bawat mga puno, na peste ang lahat, malungkot  na pinagmasdan ng matandang puno
ang kanyang kapaligiran, sa gabing tahimik at ang ilaw ay ang buwan lamang at mga bituin, humiling sa inang kalikasan ang matandang puno, na sa bawat pag lagas ng kanyang dahon, naway maging pampataba ito sa lupa, nang sa gayon at mabigyan ng sapat na preteksyon ang kanyang mga supling. Tumugon ang inang kalikasan ngunit kapalit nito'y ang kanyang unti inting pagkatuyot at pagkamatay.  Bumalik ang tindig ng mga puno sa paligid maliban lamang sa matandang puno, unti unti sa bawat haplos ng hangin mga dahoy nalalagas, mga sangay natutuyo... tahimik ang paligid , bawat puno matamlay na pinagmasdan ang matandang puno, humuni ang ibong ngnit itoy huni ng lungkot, pagkadaka ay lumuha ang langit, paalam na matandang puno...



Deja Vu

Hindi ko  ugali na e-celebrate ang birthday ko.. kasi bukod sa katotohanang tumatanda na ako, may bahagi sa nakaraan ko na nagbigay sa akin ng tabang upang ipagdiwang ang araw na to... ganun pa man sabi ko sa sarili ko noong dalaga pa ako.. pag ikakasal ako sa birthday ko gaganapin ito.. para naman mag karoon ng sense ang araw ng kapanakan ko, para magkaroon ako ng rason para e enjoy ang buhay ko. At dahil dun talagang itinaon ko ang kasal ko sa araw ng kapanganakan ko, 9 years naman na akong masaya at laging excited pag dumarating ang araw na ito. Kahit na sa 9 years na yun walang taong lumipas na di kami nasubok, nabagyo at nakidlatan ng husto. Pinaka masakit yung taong 2010, dahil nag demand ako ng isang himala na walang kalakip na pananampalataya. At ito na naman sya naulit man ang scenario pero sa ngayon natuto na ako, alam ko na, na may mga bagay na di ko kayang hawakan, may mga bagay na dapat ipag paubaya. kaya para sayo God ... ikaw na ang bahala... kung ano man ang desisyon mo.. maluwag ko tong tatangapin, dahil alam ko na may mas magandang naghihintay para sa mudra ko... Ganun paman maraming salamat sa panibagong taon... alam ko magiging boring ang buhay ko kung di mo lalagyan ng excitement ito.. kaya cheers at salamat sa pagpapahintulot mong mabuhay ako hangang sa kasalukuyang oras minuto at segundo ngayong araw na ito. This time what ever the result of my Mother's biopsy, tatangapin ko ito ng maluwag. At mangangako na gagawin ko ang dapat lamang na hakbang, dahil alam ko na sa bawat hakbang na gagawin ko karga mo ako at ikaw ang maydala ng pasanin ko.