Nandito lang ako kasama mo
Habang buhay di magbabago
Pagibig ko maasahan mo
Pagkat ikaw ang sinisinta ko
Umulan man at bumagyo
Tamaan man ng kidlat si cupido
Puso koy mananahan lamang sayo
Pag ikaw ang tinitibok nito
Mahal ko lisanin na ang takot
At wag ng malulungkot
Wag mag damdam kahit kalian
Pag kat ika’y hindi iiwan
Sa isang daan sa sabay na nilandas
Mga anghel umaawit ng wagas
Sa altar na ating binagtas
Sumpaan ay d mag wawakas
Sa iisang pintig ng puso
Sa bilog na nagsisimbulo
Na akoy sayo at ikaw ay akin
Hangang sa wakas ng panahon
Dedicate to my hubby...
Linggo, Marso 24, 2013
Sabado, Marso 23, 2013
Ubo Ubo go away
Magdamag akong walang tulog dahil sa ubo ko, daig ko pa ang asong umaalulong sa hating gabi na nagtatawag ng mga tsanak at aswang... ang ininum kung gamot ay wa epek.. kaya naman ngayon mugto ang aking mata at nasa alapaap ang aking kaluluwa... dahil sa next week na ang easter maaga kaming sasahod kaya ngayon eto ako gumagawa ng payroll ng mga balugs at ng mga pinoy encoding pa lang naman ng no. of hrs at bukas ay lingo so kakayanin ng natitira kung powers ang magawa eto at double checking na lang sa monday.. bahala na si Batman ika nga.
Sabi sa aking horoscope at sa pahaging ng aking mga panaginip nitong nakaraang gabi, dapat daw akong tumaya ng mga numerong binangit sa aking panaginip ( ang masama nito di ko maalala ang iba ) kaya naman mamayang gabi gogora kami ng casino at mag bibingo.. ang malaking tanong papapasukin kaya nila ako mamaya kung kada minuto na lang eh tumatahol ako, baka mamaya mabato ako ng ball pen sa ingay ko... tsk tsk tsk sayang mega bingo pa naman....
Anyways mag scape muna ako at punta sa pinakamalapit sa suking supermarket at nang makabili ng vicks, mag aadik muna ako after work.. baka sakaling mahagod ni vicks ang kati sa lalamunan at mapalayas ang mahaderang plema na walang abog na nanira ng aking Casino event.

Martes, Marso 19, 2013
Obra
Nais kung muling madama ang kwadernong akin nang natalikuran
ang saya sa twing daup palad ang uling at oslong sing busilak ng bulak
namamatay ang oras twing tayo'y magkaisang diwa
ginuguhit ang luha ng isang kaluluwa.
Madalas akoy tinatawag ng tinig na walang boses
sa gilid ng aking kama nakabalot sa plastic
isang brotcha at mga pintura na nais magamit
ngunit ang takot sa kawang kaalaman ang syang pumipigil
Nais kung gumuhit ng isang obrang marikit
na kahit na anong salita ay di maipaliwanag ang halik
sa mga matang makakatunghay kawalan sa sariling daigdig ang hatid
ngunit pano ko sisimulan kung takot ay nananaig.
Obra sa isip na lamang i lilimbag
gamit angmga kulay ng malawak na bahaghari
balang araw aking lakas ay matatagpuan rin
at nanamnamin nating muli ang pagiisang diwa
at muling guguhit ng isang luha.

Liwanag sa Dilim
Masukal ang gubat, malasibat ang tinik ng rosas
maraming lason ang nagkalat, sa luntian dilag
takipsilim ng dahong mayayabong
ang rosas sa gitna na nagbigay liwanag sa dilim.
Maharot ang musika ng huni ng mga ibon
na nagbibigay himig sa saliw ng hangin
ang bawat indak ng rosas sa luntian dilag
nagsusumabog na liwanag sa dilim.

Lunes, Marso 18, 2013
A slice of cake and a glass of wine
All I thank is for another year, another digit added up, it is just a number, but a journey of never ending ups and down, filled with pains of struggle and aftermat of my past, that my present is doing all its best to rectify what has been done, so that it will give atronghold for the bridge that i will travel in near future. Have i learned.. yes and i continuously having pitfall and bruises, but still learning in each chapter in my life.It's a journey that will not yet defined it's way of ending. but defining it's legacy to be left behind, and when wind chilesto it's bone and so the ground 6 feet below will be my last chamber .With a rocking chair, while the sun is setting to its resting place, a slice of cake and a glass of wine as I re read each chapter all over again and reminisce its memory until i fall sleep to its end.
Huwebes, Marso 7, 2013
Ang Pag-ibig bow
Ang Pag ibig maraming kayang gawin,
pwede kang maging masaya
pwede kang mag paubaya
pwede kang maging martir
pwede kang maging baliw
pwede kang maging tanga
pwede kang maging sanggano
pwede kang maging gago
pwede ka ring pumatay
para kasi tong isang droga
nakaka high ang sarap na dala
pero alam mo kung anong masaklap
pag nasobrahan ka
Ang Pag-ibig rin ang syang kikitil ng yung buhay.

Martes, Marso 5, 2013
Handa na ba akong mamatay?
Handa na ba akong mamatay?
ito yung paulit-ulit na tanong na umiikot sa aking empty coconut mind... at madalas hangin lang ang lumalabas sa aking utak.. hindi pa ako handang mamatay... pero sa mga nagdaan araw, ilan sa mga kaklase ko noon at malalapit na kaibigan ang mga pumanaw na.. ang iba dahil sa sakit ang iba natulog lang di na gumising.. halos lahat namatay ng napaka aga pa sa dapat na tamang panahon.. napakabata pa nila, maraming mga pangarap na di na matutupad, mga bata na nawalan ng ina o ama... Napapa-isip tuloy ako at natatakot din, isipin ko lang parang mamamatay na ako sa takot para sa mga maiiwan ko, lalo na sa mga anghel ko... pano na sila pag wala na ako...
Kahapon lang nabigla ako sa isang tawag mula sa aking kapatid, sabi nya ate patay na si eson... na shock ako ng sobra .. panong patay na eh kelan lang nag comment pa nga sa FB ko na reresbakan daw nya kung sino man ang nangbwewesit sa akin ... sabi nya walang halong biro patay na nga si eson.. natulog lang daw kagabi tapos ngayong umaga di na magising .. sinubukan e retrieve pero dead on arrival na raw... shock pa rin ako hangang ngayon.. sa isang iglap lang sa isang himbing lang pwede ka pa lang mamatay.. walang pinipiling oras walang pinipiling sitwasyon.. at walang pinipiling edad si Kamatayan pag nag trip... wagas makasakit ang kanyang talim.
Napadial agad ako ng isang panalangin.. alay para sa isang mabuting kaibigan para sa ikakapanatag ng kanyang kaluluwa, at isang panalangin rin ng pasasalamat at buhay pa rin ako.. sana si Kamatayan ay wag mag trip na sungkitin ang buhay ko.. kasi itatarak ko patalim nya sa kanya at sasabihin ko sa kanya utseserang frog ka Kamatayan wag kang magmaganda at di pa ako handa!!!

Lunes, Marso 4, 2013
Regalo
Marso na naman... ang oras ay muli na namang tumatakbo... at sa bawat kumpas ng mga kamay nito, sa bawat segundo, minuto, oras at araw na dumadaan, di ko alam kung tuwa ba o saya ang aking madarama.unti unting kinakain ng takot ang aking puso.. takot na tumanda ng walang nararating, takot na walang maibigay na magandang kinabukasan sa aking mga supling.. sampung taon ang nakalipas may isang ako na puno ng pangarap, ng plano sa buhay.. oo naka plano ang lahat.. planadong planado at ni sa panaginip di ko nakitang sa isang iglap lahat ng aking pinaghirapan mawawala lang na parang bula, malaki ang daguk, at malaki rin ang nawala.. sa iilang buwan lang na pangyayari at magpahangang ngayon akin pa ring pinipilit i tama sa landas na dati kung dinaraanan.. malubak pa rin hangang nagyon ang aking nilalakbayan.. malalim pa rin ang bawat lubak.. at mas madalas na halos dugo ang lumabas maka ahon lang sa lubak... nakakaubos ng lakas.. nakakaubos ng liwanag....
Magdamag na naman, kadiliman na naman ang papalaot sa kapaligiran, kamay ni kamatayan unti unti na naman nanunuot sa aking mga buto.. bumubulong nang isang pag anyaya sa kanyang kaharian.. pero ayoko pa bumitiw.. di pa to ang tamang panahon.. magdamag paglalabanan ang nakakinsultong kiliti ng talim ni kamatayan.. hangang sa muling pagsilay ng liwanag nakakadama muli ng pag asa na bumangon at magpatuloy sa paglakbay.. liwanag na walang sawang gumagabay sa lubak lubak kung dinaraanan.. regalong mula sa may taaas na nagdudugtong ng bagong hininga, sariwang hanging pupuno sa aking baga at alab na nagbibigay buhay sa aking puso... hangang sa muli kahit pagod.. kahit hirap nais kung marating ang aking pangarap.

Mag-subscribe sa:
Mga Post (Atom)