Martes, Hunyo 11, 2013

Kalayaan

Payapa ang langit
at banayad ang haplos nghangin
ang sarap ipikit ng mga mata at isipin
ang sarap damihin ng ating kalayaan.

Ngunit sa oras na mata'y maimulat
sa kapaligiran na-a-aninag
ang mga hinagpis ng mga salat
ang  mga halakhak ng mga dilat.

Nasaan na nga ba ang kalayaan
ito ba ay diniriwang lamang
ngunit ang katotohanan
tayo'y nakagapos pa rin sa kahirapan.

Nasaan na nga ba ang kalayaan
di ko makita sa ating kababayan
bagamat malayang lumalakad
ang mga isipan nama'y alipin ng kanluran.

Nasaan na nga ba ang kalayaan
bakit ako'y alipin pa rin ng ibang bayan
kung sana'y ang aking bansa ay may sariling duyan
di sana ako nagppapa aruga sa dayunan. 

Nasaan na nga ba .. di ko pa rin makita.

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento