Kahapon araw ng mga Ama, masaya naman naming inalala ang araw na yun, sabado pa lang ng gabi kumain kami sa labas kasama ang buong pamilya, masaya kaming kumakain ng hapunan kasi yung dalawa kung anak na lalake ay nasa mood magsikain, walang pilitang naganap. Matapos ang gabi kinaumagahan naman ng lingo kahit di na nagsimba ay naghanda ulit kami ng suman, spag at cup cake.Ang saya saya talaga, pero di ko maitago na me kurot ng lungkot dito sa puso ko, tatlong taon na pala akong nag si-celbrate ng araw ng mga Tatay nang wala ka, tatlong taon na rin na ulila ako sa ama. Miss na miss na kita tatay, alam kung masaya ka sa kinalalagyan mo ngayon, ibang iba lang kasi nung nandito ka, Iba kasi yung pakiramdam na me kasangga ka, na me magtatayo sayo pag nadadapa ka, me nagsasabi na di dapt ganyan at mali ang mga ito. Me nag aadvice na wag pairalin init ng ulo, magpakumbaba at wag pansinin ang nasa paligid. Iba pa rin yung alam mong me isang taong bilib na bilib sayo na naniniwala at me tiwalang kaya mong lagpasan ang lahat ng pagsubok sa buhay mo, kasi alam mo na pag nadapa ka sa nilalakaran mong daan... meron magtatayo sayo at tatapik sa balikat mo at magsasabing ayos lang ang lahat parte ng buhay ang madapa... at dapat sa twing nadadapa matutong tumayo, magpagpag ng alikabok para sa susunod na hakbang mo sa pagpapatuloy ng yung buhay, walang nakasabit na alikabok o sanga ng kahapon.
Wala kang katulad Tatay, sa lahat ng Amang nakilala ko at nakapanayam ko, walang hihigt sayo at sa mga sakripisyos mo para sa aming mga anak mo. Miss na miss na kita tatay at mahal na mahal ka namin pati ng mga apo.
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento