Miyerkules, Mayo 29, 2013

Mga Nakakabaliw na tanong at deal ng mga Anak ko

Kahapon habang lunch break ( umuuwi kasi ako pag lunch time 1 hr kasi at malapit lang ) kinausap ako ng aking anak na lalake at serious na humarap sa akin, akala ko kung ano ang sasabihin..Naalala ko tuloy yung mga tanong nila sa akin dati at mga dealing moments sa mga gustong toy na papabili.


Unforgetable tanong ng aking panganay na babae;

Lee Anne: Mommy how did you get pregnant? in details can you explain it to me?
nawindang ako sa tanong nya so i gave her the most safe answer every parent can give.
Mommy: Leeanne its a gift from God. ( so akala ko ok na yung sagot ko )
Lee Anne: no mommy if its a gift from God why it's inside your tummy, why its not in a huge box with gift wrap. ( ngek naisip nya pa yun ) dumugo ilong ko sa kakaisip kung pano ko e explain sa kanya kasi di makaintindi ng tagalog anak ko kaya ang ginawa ko hanap ako ng video ng national geographic na me stages ng pagbubuntis ng mga hayop... so far effective naman at naintindihan naman nya... ( ilang galong dugo sa iong ko rin ang lumabas nun hahahahaha )

LeeAun: Mommy i need you to listen to me please ( pause ng unti ) I promise to wake up early, i promise to be a good boy, I promise to go to school everyday... but please mommy buy me Ben 10 Ulitimate watch ( sabay porma ng magkakarati ) coz i am Ben 10 ultimate alien. Nakakaluka marunong nang makipag deal.

yung bunso ko naman ( 1 year and 7 monts na )although di pa nakakapag salita ng buo by word me nasasabi na . nakahiga ako sa kama tapos nilabas ko yung cellphone ko para maglaro ng candy crush, lumapit sya sa akin at tinawag ako.

Leam: Mommy... mommy nung nilingon ko nag beatiful eyes sya at nag pacute sabay yakap sa akin at kiss ng kiss syempre ako naman tuwang tuwa kaya binitawan ko yung phone ko sa harap nya sabay hug at kiss sa kanya, di ko napansin kinuha pala nya agad phone ko pagkabitaw ko sa kanya after hug alis agad sya hawak na phone ko... mautak ..

Ang sarap ng mga moments na ganito, kahit nakakapagod sa work pagdating sa bahay at nag umpisa nang maglambing ang mga kiddos nakakawala ng pagod.. Kung pwede lang na wag na silang lumaki at maging bata na lang habang buhay kaso, darating at darating talaga yung time na magsisilaki sila at mawawala na lahat ng attention nila sayo.. kaya hangat bata pa sila at naniniwala pa sa mga sinasabi ko.. i will enjoy most of them mapa kakulitan o katatawanan.




Walang komento:

Mag-post ng isang Komento