Miyerkules, Mayo 1, 2013
Anak
Ikaw ang bunga ng isang Pag-ibig
Pinagtagpo ng tadhana, pinag-isa ng langit
Sa bukal ng buhay , sumalok ng tubig
Igbinigay sa akin ng buong giting
Sa sinapupunan ko munti mong pintig
Hatid ay sayang di ko maipahiwatig
Unang buwan nagdaan hirap may nagtiis
Hilo at suka minsan ay pagkainis
Araw ay lumipas, buwan ay nagdaan
Hangang sumapit araw ng yong kapanganakan
hapdi at sakit, tiniis ko lahat yan
Buhay ko may katumbas kinaya ko yan
Sa bawat iri , bigkas sa aking isipan
isang dalangin sa may itaas
"Dyos ko.. dyos ko tulungunan mo ako
Iluwal ng maayos ang anak ko
Kahit buhay ko ay alay ko
Mailabas ko lang sya sa mundo"
Ilang segundo lumipas..
Munting iyak aking narinig
Munting anghel inabot sa akin
walang kasing sayang hatid dulot mo sa akin
Sa mga oras na yon
tumulo ang aking luha
tuwa ang nadaraman
at sabay bigkas
Anak ko.. dugo ng aking dugo
laman ng aking laman.
Matagal ko nang ginawa ito noon pang November 28, 2010, para sa mga Inang kagaya ko at sa lahat ng Nanay, damdaming hinango ko mula sa kaibuturan ng aking Puso, Pagmamahal ng isang Ina sa kanyang ANAK.
Mag-subscribe sa:
I-post ang Mga Komento (Atom)
nakaka touch naman ito....
TumugonBurahinsana maka join po kayo sa kwento ni nanay ^^
tenk u po sa comment.. ito po bang post ko eh pwede na po ba itong pang sali sa Kwento ni Nanay.?
TumugonBurahinMaganda ang tula. Nakakatouch eto at tunay na pinagdaan to ng isang ina. Di man ako ina pero nakikita ko to sa nanay ko at sa ibang ina. Saludo ako sayo sa katulad mong mapagmahal na ina. Happy mother's day sayo bukas :)
TumugonBurahinSalamat po sa greeting, comment at sa pagdalaw sa aking blog.
Burahinvery heartfelt yung tula. Halatang may pinaghuhugutan.
TumugonBurahinHappy mothers day sa lahat ng ina :))
Lakas maka-Mother's Day. Belated Happy Mother's Day sayo...
TumugonBurahin