Maraming bagay ang nakakapagpapagod sa tao, pera, pamilya, kalusugan at puso. Di naman sa nagrereklamo,pero mas gagaaan kasi pag may tao kang napagsasabihan ng lahat ng malas mo sa mundo. Isang kaibigan na handang makinig at walang halong paghuhusga sa mga kwentong kabaliwan, kabubuhan at katangahang nagawa mo sa buhay.. Kung pwede nga lang na manghiram muna ng tesenelas ng iba kahit panandalian lang.. para ma ka pag unwind ika nga nila.. para naman makita ko sa ibang aspeto ang sarili kung buhay... baka sakali makaisip ako nang mas magandang solosyun sa hinaharap kung problema... baka sakaling makita ko ang mga flaws ng buhay ko at magawan ng paraan na maayos ito.
Baka sakaling makita ko kung pudpod na ba ang tsinelas na suot ko at nakayapak na lang pala ako, dahil di ko magawang tumungo at tingan ang paa ko, dahil di ko magawang muling lumuhod at umusal ng dasal dahil nalimot ko na yata ang muling damhin ang sagradong basbas mula sa taas, o kaya dahil ayaw ko pang bumitaw sa dilim ng kahapon kahit nagppumilit sumilay ang liwanag sa taas na nagsusumuot sa aking mga buhok na nakatakip sa aking mukha.
Ang dami kung dahilan... pero sana kung sakaling hiramin ko ang yung tsinelas, maari mo bang muling ituro sa akin at ipa ala ala ang kanyang wagas na pagmamahal.. baka sakaling nasa kanya ang matibay na tsinelas na nais kung ipalit sa pudpod kung tsinelas.
astig ko pramis out of tsinelas may nagawa kang story na isang reflection sa pang araw araw na buhay natin ... good job!
TumugonBurahinTENK U TENK U PO SA DALAW AT APRECIATION NG AKING GAWA :)
TumugonBurahin