Huwebes, Abril 25, 2013

lagyan mo ng pamagat at tapusin ang wakas

Lumulunok ng apoy ang araw
Habang ang ulan ay patuloy sa pagiyak
Binabalot ng dilim ang paligid
Habang ang buwan ay nakamasid

Sa dagat ng kalangitan
mga bituin nag aawitan
mga munting liwanag sa kagubatan
ang mga kulisap pala'y nagsasayawan

Lahat ay naglahong parang bula
ng lumitaw ang isang diwata
sa gitna ng kasiyahan
nagtatangis ang mga bagang

Halakhak nya'y tila talim
na sumisibat sa dilim
ang tamaan sy sasailalim
sa kanyang kapangyarihan itim.


di ko na alam kung pano pa dugtungan di ko rin alam kung ano ang pamagat kaya parang wala lang...

2 komento:

  1. Wow this is such a nice poem. Ang lalim mong mag isip ha...hehehe

    Ang paghabi ng mga salita at gawing rhyme ay mahirap. Tapos, very substantial pa ang nagawa mo. Kudos, definitely you have a talent in poetry.

    TumugonBurahin
  2. Hello Sir Jay salamat po sa pagdalaw at sa comment.. madalas bigla bigla na lang sumasagi sa utak pero di ko alam pamagat kaya sulat sulat rin pag nasumpungan.

    TumugonBurahin