Marso na naman... ang oras ay muli na namang tumatakbo... at sa bawat kumpas ng mga kamay nito, sa bawat segundo, minuto, oras at araw na dumadaan, di ko alam kung tuwa ba o saya ang aking madarama.unti unting kinakain ng takot ang aking puso.. takot na tumanda ng walang nararating, takot na walang maibigay na magandang kinabukasan sa aking mga supling.. sampung taon ang nakalipas may isang ako na puno ng pangarap, ng plano sa buhay.. oo naka plano ang lahat.. planadong planado at ni sa panaginip di ko nakitang sa isang iglap lahat ng aking pinaghirapan mawawala lang na parang bula, malaki ang daguk, at malaki rin ang nawala.. sa iilang buwan lang na pangyayari at magpahangang ngayon akin pa ring pinipilit i tama sa landas na dati kung dinaraanan.. malubak pa rin hangang nagyon ang aking nilalakbayan.. malalim pa rin ang bawat lubak.. at mas madalas na halos dugo ang lumabas maka ahon lang sa lubak... nakakaubos ng lakas.. nakakaubos ng liwanag....
Magdamag na naman, kadiliman na naman ang papalaot sa kapaligiran, kamay ni kamatayan unti unti na naman nanunuot sa aking mga buto.. bumubulong nang isang pag anyaya sa kanyang kaharian.. pero ayoko pa bumitiw.. di pa to ang tamang panahon.. magdamag paglalabanan ang nakakinsultong kiliti ng talim ni kamatayan.. hangang sa muling pagsilay ng liwanag nakakadama muli ng pag asa na bumangon at magpatuloy sa paglakbay.. liwanag na walang sawang gumagabay sa lubak lubak kung dinaraanan.. regalong mula sa may taaas na nagdudugtong ng bagong hininga, sariwang hanging pupuno sa aking baga at alab na nagbibigay buhay sa aking puso... hangang sa muli kahit pagod.. kahit hirap nais kung marating ang aking pangarap.
Sa isang pangarap ako'y naniniwala. lol Naalala ko lang yung kanta na yan.
TumugonBurahinIf you don't have a dream you will never have a dream come true. Ayos lang ang mangarap :)
Salamat po sa pagdalaw :)
Burahinat tama po ayos lang mangarap