Martes, Nobyembre 12, 2013

Ang Bagsik ni Yolanda

Yolanda ang kembot mo ay sobrang mapanira
Delubyung taglay mo winarak ang puso ko
bawat yapak mo buhay ang kinitil mo
sa bawat indak  mo pagkawasak ng ng bayan ko.

Yolanda Yolanda hayop ang bagsik mo
Lupang tinira mo bagsak lahat kahit bahay na bato
inagaw mo ang buhay ng bawat tao
ang himig ng hangin moy bangungot sa ala ala ko .

Yolanda isa kang apokalipto, isa kang kawal ni kamatayan
bakit inosente ang tinira mo, kung ikay gutom sa kaluluwa
Sa malaking palasyo, naglipana ang dwapang at  mga halang
Naglipana ang buwaya at baboy na matataba.

Yolanda kung yun sana ang binisita mo
di sanay nagsasaya ang karamihan inbis na luksa
di sanay nabusog ka pa ng sobra sobra
di sanay walang libong buhay ang nawala.

1 komento: