Lunes, Setyembre 30, 2013

Self Pity

Drawn by Amelie Ami Chan
I don't know until when can I hold on
on keeping a promise sealed with blood
I dont know until when I can be free
on stakes are the knot tied by thee.

I paint my tears with a smile
trying to hide the pain inside
Sunrise failed to smile
Sunset open arms so wide.

Ahhh Sunset You use to be fun
now sunset sets fire in my mind
pulling me down to the pit
shivering with cold and fire beneath.

Huwebes, Setyembre 26, 2013

Dear Self

I need to talk to my self, para makahinga ng kunti....

Kamusta ka na, ok ka lang ba? yan ang bungad sa akin ng sarili ko sa salamin, di ako maka imik, maga pa rin ang mga mata sa magdamag na pag iyak... tumingin ako sa bintana, nagpipigil ng luha.
Okey lang ako... lahat naman dumadaan sa ganitong problema... lilipas rin to, kailangan ko lang iluha kasi ang bigat lang sa dibdib, ang bigat dalhin...

Malungkot syang nakatingin sa akin, sabi nya sana nandyan lang ako sa tabi mo para e comfort ka, wag ka mag alala.. kausapin mo lang ako di kita iiwan nandito lang ako.. pilit lang na ngiti ang ginanti ko sa kanya. Buti pa sya kaya akong unawain, buti pa sya kaya nyang lawakan ang kanyang pag iisip at iniintindi ang lahat ng aking sinasabi nang hindi agad nag jujump into conclusion.... buti pa sya di nanunumbat sa mga bagay na naibigay at nai sakripisyo nya para sa skin...

Bumuhos na naman ang ulan.. walang tigil at malakas kasabay nun ang pagbuhos ng mga luha sa aking mata, sabi ng sarili ko, kita mo umuulan na, binubuhos ng langit ang luha para madala ng tubig ang dumi sa daan.. ikaw namay pansamantalang sumisilong, para pag labas ng araw yung daraanan mong daan wala nang dumi, wala nang mga bato na nakaharang...

Huwebes, Setyembre 19, 2013

Sinapupunan



 
Artist: Alan Schwartz
Ikaw at sya muling nag-isa
Sa haplos ng nagbabagang init
Sa diwa ng pag-ibig
Humimlay ang alalang inukit

Ang pagsasanib ay naging isa
Buhay ang syang nalikha
Sa unang pintig ng puso
Himalang kay sarap ipagsaya




Sa sinapupunan ang unang tahanan
Pagmamahal ni Ama ang syang sandigan
Ang himig ni Ina ang syang hele sa aking pagtulog
Sa kweneto ng pagibig, ako ay nahubog.

Sa bawat buwang nag daraan
Sa mga bawat pagbabagong nagaganap
Sa bawat yugto kalakip ang pag-ibig ni Ina
Sa bawat sipa kayakap ang haplos ni Ama.

Sa sinapupunan may di sila Makita
Ngunit init ng pag-ibig aking nadarama
Pinupuno ang puso ko sa ng ligaya
Nananabik na silay makita


Walang tamang salitang mailalarawan
Ang saying sumambulat sa aking kapaligiran
Sa araw ng aking kapanangakan
Luha at tuwa ay nagsanib sa iisang diwa.