Huwebes, Pebrero 28, 2013

Dama de noche

lumilimbag ang papel ng sariling kwento
kahit na ang plumang gamit ay walang tintang tumutulo.
ngumingiti sa silay ng buwan
yakap ang sariling kamalayan.
sa simoy ng hangin na latag ng dilim
idinuduyan sa huni ng kuliglig at himig ng palaka sa kabundukan.sa kadiliman bumubusilak ang kagandahang tago sa liwanag
halikuyak na ka aya-aya sa dilim nagnining-ning tulad ng bituin.
O DAMA DE NOCHE prensesa ka ng gabi.  

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento