Miyerkules, Pebrero 19, 2014
Dilim
Pakiramdam ko unti unti na naman akong namamatay, unti unti na namang nauubos ang pag-asa na naimbak ko nitong nakaraang taon lamang.Pano ba natin masusupil ang kadiliman kung takot kang buksan ang pinto na syang pweding pagkunan ng liwanag. Ang sabi mo mag tiis tiis na lamang muna, kaya ko ang lahat basta kasama kita, ngunit hangang saan ang dapat na pag titiis, hangang saan dapat tayo ay mamalagi sa dilim, hindi sapat ang nabubuhay lamang sa pangkasalukuyang oras, ayoko na sa dilim, sa walang kasiguruhang hakbang, oo kaya ko tong tiisin, pero di ko na kayang tiisin pa ang nakikita ko sa yung mga mata, ang dating sinag na nagbibigay liwanag ay parang unti unti na ring nauupos, natatalo ka na rin ba ng dilim, hawak ko ang iyong mga kamay, humihinga ka nga ngunit para ka namang bangkay na takot maging multo, sa tinign ko ikay parang patay na dahil ang takot mo sa liwanag ay lubusan na, ito na nga ba ang kinatatakutan ko, ang unti unting kang kainin ng takot mo. Tahimik ka sa isang sulok wala ka na namang imik... tatayo ako at aabotin ang pinto, mahigpit mo pa ring hinahawakan ang mga kamay ko, hinihilang pilit upang di ko maabot ang ito, gaya ng nasabi ko dati, di ako bibitaw, at kahit pa pilit mo akong hinihila pababa, aabotin ko pa rin ang pinto ng di ka bibitawan, upang muli masilayan mo, at maramdaman ang dampi ng init ng liwanag, upang muli pareho tayong madanas ang muling mabuhay ng walang takot, walang pangamba. Alam ko mahihirapan ako, pero di ako bibitaw di ako susuko, at di ko hahayaang lubusang mabalot tayo ng takot.
Mag-subscribe sa:
I-post ang Mga Komento (Atom)
This is poetry.
TumugonBurahinMaganda ang ganito at may lalim, ang makakabasa nito'y mag-iisip kung fiction ba ito o totoo.
Gawa ka pa ganito. :)