Bad friday, its like friday the 13th, Pag ka nga naman minalas ka wagas ang buhos...
Aksidenting na banga ng asawa ko ang isang batang lalake, tumatakbo kasi yung bata ng nakalingon sa likod, huli na nang makita ng asawa ko at humampas ang ulo ng bata sa side mirror ng sasakyan. Ganun pala ang pakiramdam pag nasa police station ka lalo na at nasa ibang bansa ka, sa tapat nung kwartong pinag gigisahan sayo ng police ay ang selda ng kulungan,. nakaka paranoid, nakakawala ng katinuan lalo na pag nakikita mo ang sitwasyon nung mga nakakulong. Plead not guilty yun ang sagot ng asawa ko habang kinakausap sya ng police, Accident happened and i have no intention to run away. I did not bump the child , he is running towards me and bump in the side mirror of the car. Pero ginigiit ng isang police na sinadya at gustong takbuhan ng asawa ko ang bata, mararamdaman mo ang discrimination, dahil iba ang kulay ng balat mo, dahil sa utak nila akala nila limpak limpak ang pera mo. Nakakatakot mag tagal sa lugar na yun, nakaka paranoid ng utak. Buti na lang ang ina nung bata ay nag tratrabaho sa companyang pinapasukan namin, buti na lang at kilala nila kami, alam nilang di kami tarantadong tao na basta lang tatakbo sa responsibilidad, maayos naman na nagamot ang bata at me tahi na tinamo sa bandang ulo, maayos naman sya at walang masyadong grabing sugat sa katawan, clear sya yun ang sabi ng Doctor . Pinag pyansa naman kami ng higit pa sa dapat na pyansa, higit pa sa pyansang pinataw dun sa kalahi nilang nagnakaw at nanakit ng isang forefinger. Para wala nang gulo pa nagbayad na lang kami, wala eh ganun talaga iba ang lahi mo kaya iba rin ang trato sayo. Me hearing pa kami sa Dec. 13, bahala na si God sa amin, Nakausap namin yung Ina ng bata at binayaran namin lahat ng Medical expenses, accept naman nilang aksedenti ang pangyayari, sana di na sila mag sampa ng kaso. Sana ma drop na ang kaso sa Dec. 13, para maging masaya pasko namin.
Don't give up, malalampasan din iyan. Cheer up there's always a better days ahead of us. Accident happens when you least expect it hindi natin kontrol pero yung emotion natin kaya nating kontrolin. Be patience lalo't nasa ibang bansa kayo. :)
TumugonBurahinnakaka takot naman ang ganyan... sana okay na ang lahat... at maayos na.... hirap ng sitwasyon....
TumugonBurahinsana okay na ngayon.... ^^