I need to talk to my self, para makahinga ng kunti....
Kamusta ka na, ok ka lang ba? yan ang bungad sa akin ng sarili ko sa salamin, di ako maka imik, maga pa rin ang mga mata sa magdamag na pag iyak... tumingin ako sa bintana, nagpipigil ng luha.
Okey lang ako... lahat naman dumadaan sa ganitong problema... lilipas rin to, kailangan ko lang iluha kasi ang bigat lang sa dibdib, ang bigat dalhin...
Malungkot syang nakatingin sa akin, sabi nya sana nandyan lang ako sa tabi mo para e comfort ka, wag ka mag alala.. kausapin mo lang ako di kita iiwan nandito lang ako.. pilit lang na ngiti ang ginanti ko sa kanya. Buti pa sya kaya akong unawain, buti pa sya kaya nyang lawakan ang kanyang pag iisip at iniintindi ang lahat ng aking sinasabi nang hindi agad nag jujump into conclusion.... buti pa sya di nanunumbat sa mga bagay na naibigay at nai sakripisyo nya para sa skin...
Bumuhos na naman ang ulan.. walang tigil at malakas kasabay nun ang pagbuhos ng mga luha sa aking mata, sabi ng sarili ko, kita mo umuulan na, binubuhos ng langit ang luha para madala ng tubig ang dumi sa daan.. ikaw namay pansamantalang sumisilong, para pag labas ng araw yung daraanan mong daan wala nang dumi, wala nang mga bato na nakaharang...
Cheer up, it's gonna be ok.
TumugonBurahinThanks sir sa pagdalaw.. yan naman ang life parang gulong.
TumugonBurahinGood luck sa book nyo Sir :)